Ginawa nang aqua culture ang mga dating piggery sa Barangay Bagong Silangan kasunod ng naging epekto ng African Swine Fever (ASF) sa mga magbababoy.
Nagpakawala ng mga semilya ng tilapia at hito sa mga dating kural ng baboy na isinaayos upang maging maliliit na fish pond.
Sampung libong piraso ng hito at siyam na libong fingerlings ng tilapia ang pinakawalan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kasamang ipinamigay ng BFAR ang 60 piraso ng filtration units at feeds.
Pero ayon kay Mayor Joy Belmonte, hindi lahat ng 600 na magbababoy ang magiging benepisaryo ng aqua culture.
Prayoridad dito ang mga direktang nag-aalaga ng baboy at hindi ang mga ginagawang sideline ang hog raising.
Facebook Comments