BFAR: Baybayin ng Honday Bay sa Puerto Princesa City sa Palawan, nagpositibo sa red tide toxin

Inihayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nagpositibo sa red tide toxin ang baybayin ng Honda Bay, Puerto Princesa City sa Palawan.

Ito ay matapos na magpositibo sa nakalalasong kemikal ang mga sinuring sample ng BFAR.

Dahil dito’y bawal hanguin, ibenta at kainin ang tahong, talaba, alamang at iba pang sheelfish na nagmula sa nasabing lugar.


Gayunman, ligatas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango bastat tiyaking ito ay sariwa at kailangang tanggalan ng hasang at bituka tsaka hugasang mabuti bago lutuin.

Samantala, nananatiling negatibo sa paralytic shellfish poison or toxic red tide ang mga baybayin ng Cavite, Las Pinas, Paranaque, Navotas, Bulacan at Bataan.

Facebook Comments