Iginiit ng grupong Pamalakaya sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mabilisang alamin ang lawak ng pinsala na idinulot ng pagputok ng Bulkang Taal sa sektor ng pangisdaan.
Kasunod naman ito ng pagkalagay sa Alert Level 3 ng Bulkang Taal at sa posibleng epekto nito sa mga fishing communities sa bayan ng Laurel at Agoncillo.
Ayon kay Fernando Hicap, National Chairperson ng PAMALAKAYA, taong 2018, ang Taal Lake ay may kabuuang produksyon na 64, 000 metric tons ng tilapia.
Malaki ang kontribusyon nito sa suplay ng tilapia at tawilis sa bansa.
Hinikayat din ng grupo ang Department of Agriculture na ayudahan ang mga residente sa
Laurel at Agoncillo para makabangon sa kanilang kabuhayan.
Facebook Comments