BFAR, iginiit na walang basehan para magmahal ang presyo ng tilapia sa harap ng aktibidad ng Bulkang Taal

Wala dapat ipinapatupad na taas-presyo sa isdang tilapia na magmumula sa Taal Lake.

Ito ang pahayag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa gitna ng pag-aalburuto ng Bulkang Taal.

Ayon kay BFAR Region 4-A Director Sammy Malvas, walang basehan para magmahal ang presyo ng tilapia.


“We are calling para doon sa mga nananamantala ng sitwasyon para kumita at itaas yung presyo ng isda. Ngayon wala pong dapat basehan ng pagtaas ng presyo ng isda o tilapia na nanggagaling sa Taal Lake,” sabi ni Malvas

Sinabi ni Malvas na ang kasalukuyang operasyon ng mga mangingisda sa lugar ay nananatili sa normal status.

Aniya, wala namang problema sa supply para magkaroon ng price hike.

Batay sa Suggested Retail Price (SRP), ang presyo ng bangus ay hindi dapat lalagpas sa 160 pesos kada kilo habang ang tilapia ay hindi dapat hihigit sa 120 pesos kada kilo.

Facebook Comments