
Inalis na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang close fishing season ng isdang sardinas at mackerels sa malawak na karagatan ng Visayas at Zamboanga Peninsula.
Epektibo ngayong araw, February 16, 2026, pinapayagan na ang mga commercial fishers na makabalik sa kanilang fishing operation sa conservation area ng Zamboanga Peninsula, gaya ng karagatan ng East Sulu, Basilan strait, at Sibuguey bay.
Gayundin, maari na ring makapanghuli ng isdang sardinas sa karagatan ng Visayan.
Bawat taon ay ipinatutupad ang closed fishing season upang matiyak ang protection at conservation ng naturang mga fish species sa panahon ng kanilang pangingitlog.
Ayon sa BFAR, naging epektibo ang mahusay na partnership ng BFAR at mga LGU at law enforcement groups sa koordinadong pagsasagawa ng inspection operations at surveillance operations .










