BFAR, inalis na ang sardines closed fishing season sa karagatan ng Visayas

35

Tinanggal na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagbabawal sa panghuhuli ng isdang sardinas ang malawak na karagatan sa Visayas.

Ang tatlong buwang ‘closed fishing season’ ay ipinatupad noong November 15, 2020 hanggang February 15 ngayong 2021.


Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, taon-taon ipinatutupad ang closed fishing season upang matiyak ang protection at conservation ng isdang sardinas, mackerels at iba pa sa panahon ng kanilang pangingitlog.

Aniya, may anim na pangunahing fishing grounds at iba pang fishing areas para sa sardinas ang bansa.

Facebook Comments