Pinayuhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga residenteng malapit sa mga baybayin sa bansa na lumikas muna sa mataas na lugar kasunod ng tsunami alert matapos ang magnitude 7.5 na lindol na tumama sa Taiwan.
Kabilang sa mga pinalalayo muna sa ligtas na lugar ay ang mga residente sa coastal areas ng mga sumusunod na mga probinsya.
• Batanes Group of Islands
• Albay
• Surigao del Sur
• Cagayan
• Catanduanes
• Dinagat Islands
• Ilocos Norte
• Sorsogon
• Davao De Oro
• Isabela
• Eastern Samar
• Davao del Norte
• Quezon
• Northern Samar
• Davao del Sur
• Aurora
• Leyte
• Davao Occidental
• Camarines Norte
• Southern Leyte
• Davao Oriental
• Camarines Sur
• Surigao del Norte
Ito ay sa kabila naman na binawi na ng PHIVOLCS ang kanilang inilabas na tsunami warning.
Ayon kay Erlinton Antonio Olave, Senior Science Research Specialist ng Seismological Observation ng PHIVOLCS, batay sa kanilang mga impormasyon mula sa Calayan Islands at Basco, Batanes ay walang pagbabago sa sea level sa nabanggit na mga lugar.
Nauna na kasing naglabas ng babala ang pacific tsunami warning center na aabot sa 1-3 meters na pwedeng tumama sa Pilipinas matapos ang malakas na lindol sa Taiwan.