BFAR, kinondena ang muling pagbangga ng barko ng China sa Pag-asa Island

Mariing kinondena ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang ginawa ng Chinese Maritime Militia sa pagbangga nito sa barko ng BFAR sa bahagi ng Pag-asa Island.

Ayon sa BFAR, ang BRP Datu Cabaylo at BRP Datu Sanday ay nagsasagawa umano ng routine maritime patrol na nasa five nautical miles ang layo mula sa Pag-asa Island noong Biyernes, Oktubre 11, 2024, nang magsagawa ng “dangerous maneuvers” ang barko ng China sa paligid ng Datu Cabaylo at sinubukan itong harangin.

Paliwanag ng BFAR, dumating ang barko ng China sa gilid ng Datu Cabaylo at binangga sa tagiliran ang nasabing barko.


Sa kabila ng naturang insidente, nakumpleto pa rin ng mga barko ng BFAR ang kanilang maritime patrol at ligtas na nakadaong sa Pag-asa Sheltered Port.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay binomba naman ng water cannon ang dalawang barko ng BFAR kasabay ng resupply mission sa pitong mother boats at 16 maliliit na fishing boats ng Pilipinas sa Bajo de Masinloc.

Facebook Comments