Pinalagan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang panibagong insidente ng panunutok ng high-intensity laser ng China sa mga barko nito habang nagpapatrolya ang BFAR sa Hasa-hasa Shoal o Half-moon Shoal sa West Philippine Sea noong December 2.
Ang mga tripulante ng kasamang barko ng BFAR na BRP Datu Matanam Taradapit ay nag-record ng insidente gamit ang night-vision camera.
Ginamit ng barko ng China ang laser sa BRP Datu Tamblot mula sa direksyong silangan ng shoal ng anim na beses sa pagitan ng limang minute.
Ayon pa sa BFAR, ang high-intensity laser ay mapaminsala sa mata ng sinumang malalantad dito.
Ang panibagong pangha-harass ng China ay nangyari habang ang Pilipinas, Japan at Estados Unidos ay nakatakdang magdaos ng kanilang unang trilateral maritime dialogue sa Tokyo bukas.