BFAR, kinumpirma ang oversupply ng bangus sa Pangasinan

Inamin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na mayroong oversupply ng bangus sa Pangasinan.

Ito ay matapos na bumagsak ang presyo ng bangus sa Pangasinan na ikinakalugi ng mga nag-aalaga ng bangus.

Sa QC Journalist forum, sinabi ni BFAR Spokesperson Nazario Briguera, nakikipag-ugnayan na sila sa bangus producers para matulungan ang mga ito.


Kabilang dito ang pagdadala sa Metro Manila ng mga bangus upang kaagad na maibenta.

Tutulong din umano ang BFAR sa pagproseso sa mga bangus sa pamamagitan ng kanilang post-harvest facilities sa Dagupan City.

Kabilang sa nakikitang dahilan ng oversupply ng bangus sa Pangasinan ang pagdami ng fish cages doon.

Facebook Comments