BFAR, kumuha na rin ng sample ng isda at tubig sa Batangas para isailalim sa laboratory test

Sinimulan na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang pagsalang sa laboratory test ng mga isda at tubig sa karagatan ng Batangas.

Ito ay upang malaman kung kontaminado ng langis ang tubig at lamang dagat matapos kumalat sa naturang lalawigan ang langis mula sa lumubog na barko sa Oriental Mindoro.

Sabi ni Christopher de Castro, isa sa mga mangingisda ng Isla Verde, sinamahan nila kahapon ang mga taga-BFAR para manghuli ng ilang pirasong isda at dinala ito sa Maynila para isailalim sa laboratory test.


Paliwanag ni Castro na ang magiging resulta ng laboratory test ang siyang gagawing bantayan ng BFAR para mag desisyon kung dapat na bang alisin ang fishing ban sa Batangas matapos itong ipatupad dalawang linggo na ang nakakaraan.

Isa ang Batangas sa mga nagsusuplay ng isda sa Metro Manila kung saan posibleng maapektuhan ang pangangailangan ng NCR.

Facebook Comments