Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) laban sa patuloy na pagkakaroon ng red tide sa limang coastal waters sa Bohol, Samar, Zamboanga del Sur at Surigao del Sur provinces.
Sa Shellfish Bulletin No. 14, pinaiiwasan ang pagkolekta at pagkain ng mga shellfish mula sa baybaying dagat ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; San Pedro Bay sa Samar; Dumanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Ito ay matapos na makakuha ng mga sample na nagpapahiwatig na positibo pa rin sa paralytic shellfish poison (PSP) o ang nakakalason na red tide na lampas sa mga limitasyon ng regulasyon.
Ang iba pang marine species tulad ng isda, pusit, hipon, at alimango ay ligtas na kainin ng tao ngunit dapat hugasan nang maigi at ang mga panloob na organo, tulad ng hasang at bituka, ay alisin bago lutuin.
Ang mga unang sintomas ng PSP ay kinabibilangan ng pamamanhid ng mga labi at dila, pagkawala ng kontrol sa mga braso at binti, at hirap sa paghinga.