BFAR, nagbabala na huwag munang kainin ang mga isda mula sa Manila Bay

Manila, Philippines – Nagbabala sa publiko ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na huwag munang kakain ng mga isda na mula sa Manila Bay.

Ang panawagan ng BFAR ay ginawa bunga na rin ng mga isdang naglutangan sa Manila Bay partikular sa may baybayin ng Las Piñas at Parañaque.

Ayon sa BFAR, ipinasusuri pa ng tanggapan ang ugat ng fish kill sa Manila Bay kaya at habang hindi pa alam ang ugat ng pagkamatay ng mga isda sa baybayin ay kailangan munang iwasan ang pagkain ng mga isda mula dito.


Hanggang ngayon ayon sa BFAR ay hindi pa batid ng ahensiya kung ligtas kainin ang mga isda mula sa naturang baybayin.

Nitong Huwebes, iba’t ibang uri ng patay na isda ang nakita sa baybayin ng Las Piñas at Parañaque sa Manila bay.

Una nang sinabi ng BFAR na ang temperatura sa tubig ang ugat ng fish kill sa lugar pero nitong nagdaang araw ay dumami pa ang bilang ng mga lulutang lutang na isda  sa naturang baybayin kaya at matamang pagsusuri ang ginagawa ng mga eksperto para matumbok ang tunay na ugat ng fishkill sa naturang baybayin.

Facebook Comments