Pinaiiwas muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain, pagkuha at pagbenta ng mga isda at ibang lamang dagat mula sa ilang lugar sa Davao Region dahil sa red tide.
Ito ay matapos magpositibo sa red tide toxin ang coastal waters o baybayin ng Sta. Maria, Davao Occidental at Balite Bay sa Mati, Davao Oriental.
Ayon sa BFAR, hindi ligtas kainin ang mga shellfish na mula sa San Pedro Bay sa Western Samar; Lianga Bay sa Surigao del Sur at coastal waters o baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol.
Dahil dito, inaasahan namang makakaapekto ang red tide sa kabuhayan ng hindi bababa sa 150 mangingisda.
Paliwanag ng ahensya, maaaring maiugnay ang red tide sa ilang pagbabago sa karagataan gaya ng mataas na temperatura at mahabang panahon ng tagtuyot na sinundan ng biglaang pag-ulan.