Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga operator ng fish cages sa Taal Lake sa posibilidad na magkaroon muli ng fish kill.
Ayon sa BFAR, patuloy silang nagsasagawa ng water quality, kabilang ang dissolved oxygen level.
Pinapayuhan nila ang fish cage operators sa mga lugar kung saan mababa ang dissolved oxygen level na simulan na ang emergency harvest.
Maaari ring gumamit ng oxygen pumps at aerators bilang bahagi ng mitigating measures.
Higit 600 metric tons ng tilapia stock ang nasayang sa fish kill na nakaapekto sa 121 units ng fish cages sa lawa ng Taal na nagkakahalaga ng ₱43.13 million.
Tiniyak ng BFAR na hindi gagalaw ang presyo ng tilapya sa mga palengke.
Facebook Comments