BFAR, nagbabala sa publiko sa pagbili at pagkain ng tahong, talaba at iba pang shellfish

Courtesy: Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko sa pagbili at pagkain ng mga talaba, tahong, alamang at iba pang uri ng shellfish.

Ito ay makaraang magpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang mga baybayin ng Daram Island, Zumarraga island at Cambatutay bay sa Samar; Matarinao bay sa Eastern Samar at Cancabato bay sa Leyte.

Bukod dito, nananatili ring positibo sa red tide toxin ang mga baybayin ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur at sa San Benito, Surigao del Norte.


Nilinaw naman ng BFAR na ligtas kainin ang isda, pusit, hipon at alimango basta’t tiyaking ito ay sariwa at kailangang tanggalan ng bituka at hasang tsaka hugasang mabuti bago lutuin.

Bukod dito, nananatiling negatibo sa toxic red tide ang mga baybayin ng Cavite, Las Piñas, Paranaque, Navotas, Bulacan, Bataan at iba pang lugar sa bansa.

Facebook Comments