BFAR, nagbabala sa publiko sa pagkain ng isda kaugnay ng nangyaring fishkill sa ilang bahagi ng Manila Bay

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko sa pagkain ng mga nangamatay na isda.

Ito’y matapos maglutangan sa Manila Bay sa bahagi ng Parañaque at Las Piñas ang sandamakmak na patay na isda.

Maraming uri rin ng isda ang tumambad sa dalampasigan kabilang ang Asuhos, Kanduli, Butete, Sapsap, Tilapia, at Barakuda.


Mayroon ding mga malalaking Sugpo.

Ayon kay BFAR Director, Usec. Eduardo Gongona, hindi na ligtas kainin ang mga isdang galing sa fish kill dahil may mga bacteria na kumapit dito.

Kumuha na ng water samples ang DENR at BFAR ang lugar para isailalim sa pagsusuri upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga isda.

Lilinisin na rin sa lugar ang mga isda at ililibing ang mga ito.

Facebook Comments