BFAR, nagbabala sa red tide sa ilang baybayin sa bansa

Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang lahat na kumokonsumo ng shellfish na mahahango mula sa pitong lugar sa bansa dahil sa banta ng red tide toxin.

Ang mga apektadong coastal waters ay ang mga sumusunod:
• Milagros, Masbate
• Sorsogon Bay
• Dauis at Tagbilaran City, Bohol
• Matarinao Bay, Zamboanga del Norte
• Murcielagos Bay, Misamis Occidental
• Balite Bay sa Mati City, Davao Oriental
• Lianga Bay sa Surigao del Sur

Batay sa laboratory results ng BFAR at local government units (LGUs) ang mga shellfish na makokolekta sa mga nabanggit na baybayin ay positibo sa paralytic shellfish poison, kaya hindi maaaring kainin.


Gayumpaman, ang mga isda, pusit, hipon at alimangong mahuhuli ay ligtas kainin ng tao basta sariwa ang mga ito, nahugasan ng maayos at natanggalan ng ilang organs tulad ng hasang at bituka bago lutuin.

Facebook Comments