BFAR, nagbabala sa virus na matatagpuan sa tilapia at hipon

Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa virus na matatagpuan sa tilapia at hipon.

Ito ay kasunod ng pagkamatay ng maraming isda sa Laguna Lake.

Paliwanag ni BFAR Region 4-A Director Sammy Malvas, ang pagkamatay ng mga isda ay resulta ng pagbaba ng lebel ng oxygen o biglaang pagbabago ng temperatura.


Ang nasabing virus ay tina-target ang internal organs ng isda, tulad ng atay at utak.

Banta naman sa mga hipon ang white spot syndrome virus at acute hepatopancreatic necrosis disease.

Patuloy na binabantayan ng BFAR ang sitwasyon at pinayuhan ang mga mangingisda na magpatupad ng biosecurity measures laban sa mga nasabing virus.

Ire-require din ng ahensya ang health certificate para sa pagbiyahe ng mga tilapia at hipon.

Pagtitiyak ng BFAR na ang mga virus na tumatama sa mga hipon ay hindi nakamamatay sa tao.

Facebook Comments