BFAR, nagkaloob ng tulong sa mga pamilya ng mga nasawing mangingisda sa Bajo de Masinloc

Nagbigay ng tulong ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pamilya ng nasawing mangingisda matapos banggain ng isang dayuhang barko ang kanilang bangka sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea.

Sa naging pagbisita ni BFAR National Director Atty. Demosthenes Escoto sa lamay ng tatlong mangingisda sa Calapandayan, Subic sa Zambales, nagkaloob ito ng P20,000 cash assistance at food packages sa mga naulila.

Nangako rin ang BFAR sa mga pamilya na libreng pag-aaralin sa kolehiyo ang kanilang mga anak at magiging prayoridad din sa mga employment opportunity sa BFAR at DA.


Ang 11 namang survivors ay nakatanggap ng P2,000 cash aid at food packs.

Nangako rin ang BFAR na tutulong sa pagpapaayos ng nasira nilang bangka para muli silang makapagsimula sa pangingisda.

Facebook Comments