BFAR, naka-heightened alert laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng Tilapia Lake Virus

Manila, Philippines – Naka-heightened alert na ang BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources laban sa posibleng pagpasok sa bansa ng TLV o Tilapia Lake Virus.

Tiniyak naman ni BFAR Director Usec. Eduardo Gongona na magiging mapagmatyag ang mga quarantine inspectors nila sa mga pangunahing daungan at paliparan sa bansa.

Sinabi ni Gongona na maghihigpit sila sa inspection process lalo’t nag-i-import ang Pilipinas ng broodstock ng fingerlings na siyang ginagamit sa pagpaparami ng tilapia.


Una nang napaulat na tumama na ang nasabing virus sa Thailand, Israel at Egypt.

Facebook Comments