Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR na mino-monitor nila ang epekto ng El Niño.
Ayon kay BFAR Director Eduardo Gongona, mahigpit nilang binabantayan ang mga aqua culture area at coastal communities sa western seaboard ng bansa na kadalasang tinatamaan ng El Niño.
Aniya, layon ng monitoring ng BFAR na mabawasan ang insidente ng fish kill na madalas nangyayari tuwing mainit ang panahon.
Sabi pa ni Gongona, nagpakalat na rin sila ng mga impormasyon sa mga mangingisda at sa mga nangangasiwa sa mga palaisdaan para malimitahan ang epekto ng El Niño.
Facebook Comments