BFAR, namahagi ng ayuda sa mga mangingisda sa Cavite na apektado ng oil spill sa Bataan

Namahagi ng ayuda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga mangingisda sa Cavite na lubhang naapektuhan ng oil spill sa Bataan.

Ayon kay BFAR officer-in-charge Director Isidro Velayo, aabot sa 1,612 na benepisyaryo ang nakatanggap ng food packs na katumbas ng 100% ng lahat ng rehistradong mangingisda sa bayan ng Noveleta.

Laman ng food packs ang mga mahahalagang pagkain gaya ng bigas, mga de-latang paninda, at iba pang non-perishable items na makatutulong sa pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ang kabuhayan ng oil spill.


Ayon pa kay Velayo, ang pamamahagi ngayon ay simula pa lamang ng comprehensive relief and recovery effort para sa mga apektadong mangingisda ng Cavite.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy ang pakikipagtulungan ng BFAR sa mga lokal na komunidad upang maibalik ang kanilang mga kabuhayan at makabawi sa epekto ng oil spill.

Facebook Comments