Nakahanda ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na protektahan ang mga Pilipinong mangingisda sa karagatang sakop ng West Philippine Sea.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni BFAR Director Eduardo Gongona na maraming Pilipino ang natatakot na mangisda sa West Philippine Sea dahil sa bantang hatid ng Chinese militia vessels.
Dahil dito, hinikayat ng ahensya ang mga mangingisdang tumungo sa ating teritoryo upang matiyak ng BFAR, Philippine Coast Guard at ibang pang ahensya ng gobyerno ang kanilang seguridad.
Dagdag pa ni Gongona, mahalagang makuha ang isdang para sa atin dahil na rin sa usapin ng food security.
Facebook Comments