BFAR, naniniwalang hindi na kailangang magpataw ng price ceiling sa isdang galunggong

Hindi na umano kailangan na magpatupad ng price ceiling sa galunggong.

Ayon kay Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) Undersecretary Cherryl Marie Caballero, binuksan na nila ang fish season kung kaya’t asahan na mararamdaman na sa susunod na mga araw ang sobrang local supply ng galunggong sa merkado.

Aniya, kapag pinayagan nilang magpataw ng price cap ay parang inaamin nilang may pagkukulang sa isdang galunggong.


Dagdag ni Caballero, isa sa paraan ng ahensya para gawing abot-kaya at accessible ang isdang galunggong sa mga consumer ay ang pag-streamline sa movement ng supply magmula sa mga producer hanggang sa retail.

Pinuri ni Caballero ang marketing group ng BFAR sa pagsisikap na maihatid ang mura at accessible na galunggong sa mga mamimili.

Facebook Comments