BFAR, pag-aaralan ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga mangingisda

Pag-aaralan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang posibilidad na magbigay ng fuel subsidy sa mga mangingisda upang mapalawak ang kanilang fishing activities sa West Philippine Sea.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Western Command (WESCOM) chairman Vice Admiral Ramil Enriquez, ilang mangingisda ang limitado ang pangingisda dahil sa kakapusan sa suplay ng krudo.

Bukod sa subsidiya, plano rin nila na maglagay ng sheltered ports sa Kalayaan Group of Islands na maaaring silungan ng mga mangingisda sa tuwing aabutan sila ng masamang panahon.


Ayon kay Enriquez, aabot sa 80% hanggang 90% ng mga mangingisdang Pinoy na naglalayag sa Palawan ay mula sa Navotas, Bohol, at Cebu.

Facebook Comments