BFAR PATULOY NA INIIMBESTIGAHAN ANG NANGYARING FISH-KILL SA BAHAGI NG WESTERN PANGASINAN

BOLINAO PANGASINAN – Aabot sa humigit kumulang na 60 fish-cages ang apektado ng fish-kill sa tatlong barangay sa bayan ng Bolinao, Pangasinan nitong nakaraang linggo. Sa paunang imbestigasiyon ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), lumalabas na bumaba ang oxygen supply sa ilalim ng tubig sanhi ng pabago-bagong taya ng panahon dahilan para mamatay ang ilang isda.

Bukod sa obserbasiyong ito, kumuha ng specimen ang mga taga BFAR upang suriin sa kanilang laboratoryo. Tinatayang aabutin ng dalawang linggo bago malaman ang resulta ng laboratory result. Layon nito na tukuyin ang bacteria na maaaring makuha sa isda saklaing makain ito ng tao. Samantala, ramdam ng mga may-ri ng fish cages ang pagkalugi dulot ng nasabing fish-kill habang patuloy na inaaalam ng mga otoridad ang kabuuang danyos.

Facebook Comments