BFAR, pinag-iingat ang publiko sa pagkain ng shellfish

Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang publiko kaugnay sa pagbili at pagkain ng mga shellfish.

Ito ay matapos na magpositibo sa red tide toxin ang mga nakolektang sample ng BFAR.

Batay sa Bulletin No. 12 na inilabas ng BFAR, kabilang sa mga baybaying positibo sa paralytic shellfish poison o red tide toxin ang Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; San Benito sa Surigao del Norte.


Dahil dito, ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na nagmula sa nabanggit na mga lugar ay hindi ligtas para sa konsumo ng tao.

Gayunman, ligtas namang kainin ang mga isda, pusit, hipon, at alimango basta’t tiyaking ito ay sariwa at kailangang tanggalan ng hasang at bituka tsaka hugasang maigi bago lutuin.

Facebook Comments