BFAR, pinaiiwas muna ang mga mangingisda na pumalaot sa ilang bahagi ng Cagayan at Surigao del Sur

Pinaiiwas muna ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR ang mga mangingisda na pumalaot sa bahagi ng Sta. Ana, Cagayan at Tandag, Surigao del Sur.

Ayon sa BFAR, magsisimula ito bukas, October 22 hanggang October 28 dahil posibleng dito bumagsak ang debris ng ginawang space rocket launch ng South Korea ngayong araw.

Ayon sa ulat ng Philippine Space Agency o PhilSa, maaari rin itong bumagsak sa mga barko, aircraft o iba pang sasakyan na nasa itinuturing na identified drop zones.


Sa kabila nito, sinabi naman ng PhilSa na mababa ang tyansang bumagsak ang rocket debris sa kalupaan.

Facebook Comments