Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga fish produce at mga consumer na may sapat at tuloy-tuloy na pagsusuplay ng fishery commodities sa mga lugar na isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) at Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Matapos maglabas si Agriculture Secretary William Dar ng guidelines para sa mabilis na pag-transport at delivery ng food at agri-fishery commodities, agad na kumilos ang BFAR at inatasan ang mga tauhan na pasimplehin ang proseso ng pag-iisyu ng food pass.
Ito’y upang gawing accessible sa mga fish producer at supplier ang mga fishery products.
Mag-iisyu ang BFAR ng bagong food pass para sa mga wala pa nito.
Kinakailangan lang na magtungo ang mga interesado sa mga Fisheries Inspection and Quarantine Division ng BFAR.