BFAR, tiniyak na bababa ang presyo ng galunggong

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na bababa ang presyo ng galunggong.

Ayon kay BFAR Usec. Eduardo Gongona, asahang bababa ang presyo ng galunggong at iba pang isda bago sumapit ang pasko.

Pagttiyak ng BFAR, pansamantala lamang ang nararanasang pagmahal ng presyo ng isda ngayong Closed Fishing Season.


Samantala, darating na ang nasa 45,000 Metric Tons ng galunggong na inangkat ng Pilipinas.

Facebook Comments