Aminado ang Bureau of Fire Protection (BFP) na nasa kalahati ng bilang ng kanilang tauhan ang kulang sa personal protective equipment.
Ayon kay BFP Spokesperson, Chief Insp. Jude Delos Reyes, kalahati ng kanilang 25,000 tauhan ang sumusugod sa apoy na hindi kumpleto ang pananggala.
Kabilang sa mga protective equipments ay helmets at boots, respirators, globes, blangkets at gas masks.
Maliban dito, kulang din sila ng manpower kung saan kailangan nila ng 11,000 firefighters para i-cover ang buong bansa.
Nasa 304 na bayan sa bansa ang wala pa ring fire station o fire trucks.
Bukas din ang BFP sa nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na armasan ang mga bumbero.
Umaasa ang BFP na matutugunan ang mga problemang ito sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Facebook Comments