Lumahok ang Carmen Fire Station Personnel sa pamumuno ni SFO3 Albert G Keil sa National Simultaneous Earthquake drill na isinagawa sa 2 barangay sa bayan ng Carmen, North Cotabato.
Ngayong 2nd quarter NSED ay napili ang bayan ng Carmen bilang regional pilot center sa region-XII dahil sa dalawang barangay nito na nakaranas ng matinding pagyanig noong 2012.
Sinasabing nasa fault line ang naturang mga lugar kaya kinakailangang magkaroon ng sapat at tamang kaalaman bilang first responder ang mga residente sa pagtugon sa emergency cases.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction management office (MDRRMO) sa pamumuno ni Conchita Ramos at Municipal Local Government Operations Office na pinamumunuan naman ni Ranulfo Martin.
Lumahok din sa simulation at nagsilbing evaluators ang ilang responders mula sa Kidapawan 911, Philippine Red Cross, Philippine Army( 7th FAB, 7th IB, 602 brigade) at PDRRMO, naroon din ang Personnel ng Office of the civil defense (OCD) DepEd teachers, BFP Special Rescue Unit (SRU) Rural health Unit (RHU) Personnel ng Carmen at Department of health (DOH).(photo:ctto)
BFP CARMEN, nakiisa sa 2nd Q NSED!
Facebook Comments