BFP DAGUPAN NAGPAALALA: ;HUWAG PAHAWAKIN NG PAPUTOK ANG MGA BATA’

Mariing paalala ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan City Fire Station sa mga magulang at nakatatanda na huwag pahawakin ng paputok ang mga bata upang maiwasan ang sunog at iba pang aksidente ngayong holiday season.

Ayon sa BFP, madalas na nagreresulta sa pinsala ang pagpapaputok ng mga bata dahil sa kakulangan sa kaalaman at pag-iingat.

Kaya naman, hinihikayat ang publiko na bantayang mabuti ang mga bata at ilayo sila sa anumang uri ng paputok at pailaw.

Bilang alternatibo, iminumungkahi ng BFP ang paggamit ng torotot at iba pang ligtas na pampaingay sa pagsalubong sa pasko at bagong taon.

Patuloy ding paalala ng BFP Dagupan na agad tumawag sa kanilang hotline sakaling may sunog o emergency upang maiwasan ang mas malaking pinsala. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments