BFP DAGUPAN, NAKAHANDA SA POSIBLENG SUNOG NGAYONG HOLIDAY SEASON

Tiniyak ng Bureau of Fire Protection (BFP) Dagupan ang kanilang kahandaan sa pagtugon sa posibleng mga insidente ng sunog ngayong Holiday Season.

Ayon kay Senior Fire Officer 3 Clemente Amante Battalao, Deputy City Fire Marshal ng BFP Dagupan, nakaantabay ang kanilang mga kagamitan tulad ng fire trucks at iba pang fire equipment upang mabilis na makaresponde sa anumang emergency.

Dagdag pa niya, may dalawampu’t siyam na kawani ng BFP ang handang ideploy para sa mabilis na aksyon.

Patuloy na nakikipagtulungan ang BFP sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang magpatupad ng mga regulasyon.

Isa sa mga nakatakdang talakayin sa darating na pagpupulong ay ang mga patakaran sa pagtitinda ng paputok.

Layunin nitong masiguro na sumusunod ang mga tindero sa tamang alituntunin para maiwasan ang anumang panganib.

Patuloy na nananawagan ang ahensya sa mga residente na maging maingat, iwasan ang overloading ng kuryente, at sundin ang mga safety protocols upang maiwasan ang anumang sakuna. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments