BFP: Higit 100 munisipalidad sa bansa, walang mga fire stations

Nasa 123 na munisipalidad sa bansa ang walang serbisyo ng Bureau of Fire Protection (BFP), tulad ng mga fire stations at fire trucks.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni BFP Spokesperson Col. Analee Atienza, na tanging mga fire prevention officer lamang ang mayroon sa mga naturang munisipalidad para sa implementasyon ng Fire Code.

Dahil dito, sinabi ni Atienza na naglatag ng mga hakbang ang BFP para mapunan ang mga kakulangan sa kanilang ahensya sa ilalim ng RA 1589 o BFP Modernization.


Ito ang 10-year program ng BFP na sisimulan aniya ngayong taon para madagdagan ang mga makabagong kagamitan kasama na ang mga bagong helicopter at chopper.

Kasabay din ng procurement ng mga bagong firetrucks ay ang pag-recruit ng mga karagdagang fire fighters.

Samantala, prayoridad naman ng BFP ang pagsasagawa ng fire safety awareness program ngayong Fire Prevention Month sa mga komunidad para maiwasan ang pagkakaroon ng sunog lalo na ngayong tag-init.

Facebook Comments