Nangako ang Bureau of Fire Protection (BFP) na sisiyasatin nila nang malalim ang nangyaring ‘despedida’ party para sa isang dating Batangas City fire marshal dahil sa paglabag sa quarantine protocols sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Nangyari ang party noong August 21 sa isang hotel para kay outgoing Batangas City Fire Marshal Elaine Evangelista.
Sa mga video, makikita ang mga tauhan ng Batangas City Fire Station na sumasayaw at gumigiling na walang suot na face mask at hindi rin nasusunod ang social distancing
Ayon kay BFP Chief Director Jose Embang Jr., nagpapatuloy ang imbestigasyon ngunit noong August 26 ay nagpadala na ng memorandum ang Civil Service Commission (CSC) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil sa nangyaring despedida.
Kinumpirma rin ni Embang sa mga litrato na mayroong mga tauhan ng BFP na dumalo sa kasiyahan.
Si Evangelista ay itinalaga bilang bagong Fire Chief ng Biñan, Laguna ngunit ang kaniyang appointment ay binawi kasunod ng kontrobersiya.