Magpapadala ng mga nurse ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga ospital sa Metro Manila upang tumulong sa laban kontra COVID-19.
Ayon sa BFP, nasa 63 nurses ang ide-deploy sa mga pampubliko at pribadong ospital sa Metro Manila.
Unang batch pa lamang ito ng kabuuang 120 BFP nurses na nag-volunteer para tumulong sa COVID-19 response.
Kabilang sa mga nag-request ng dagdag na health worker ang mga ospital tulad ng; Las Piñas Doctors Hospital, Manila Doctors Hospital, Novaliches District Hospital, Ospital ng Tondo, at San Juan Medical Center.
Sa ngayon, maliban sa BFP ipinadala na rin ang Philippine National Police- Medical Reserve Force (PNP-MRF) sa ilang vaccination centers sa Quezon City upang tumulong sa COVID-19 vaccination at maiwasan ang overcrowding.