Mahigpit ngayong nakaantabay ang Bureau of Fire Protection o BFP sa mga batang naglalaro ng boga ito ay kasabay ng paglulunsad ng Oplan Iwas Paputok ngayong papalapit na ang kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon.
Sa ngayon, isinasagawa ng BFP sa kada bayan sa Pangasinan ang maigting na pag-iikot ikot sa mga barangay kung saan ipinapaalala na salubungin ang selebrasyon ng kapaskuhan at bagong taon ng ligtas at malayo sa anumang uri ng disgrasya.
Pinaalalahanan din ng awtoridad ang mga magulang na manguna sa kampanya ng ahensya na sana tumulong sa pagsusuway sa kanilang mga anak na huwag maglaro ng ganitong mapanganib na laruan.
Samantala, matagal ng ipinagbabawal ang paggamit ng boga o bazooka, isang uri ng paputok na yari sa PVC pipe at lata na kadalasang ginagamit ng mga bata.
Inihayag naman ng Department of Health-Center for Health Development 1 na itataas ng kagawaran ang Code White sa mga hospital sa rehiyon sa darating na December 21 bilang paghahanda sa mga magiging biktima ng paputok.
Hinimok ni Bobis ang mga residente ng rehiyon na gumamit na lamang ng alternatibong pampaingay gaya ng tambol, musika at alternatibong pampailaw gaya ng panonood na lamang sa mga fireworks display. | ifmnews

Facebook Comments