Nagbabala ang Bureau of Fire Protection (BFP) Mangaldan laban sa mga indibidwal na nagbebenta ng umano’y LPG regulator na hindi aprubado o ineendorso ng kanilang ahensya.
Ayon kay Municipal Fire Marshal FSINSP. Jonathan de Vera, wala silang iniendorso o kinikilalang produkto na may kinalaman sa LPG regulator.
Karaniwang target ng mga nagbebenta ay ang mga matatanda at madaling maengganyo sa mga pekeng claim tulad ng dagdag na proteksyon laban sa sunog at pagtitipid sa gas.
Ayon sa BFP, kadalasang mas mataas ang presyo ng mga ibinebentang regulator kumpara sa regular na halaga nito.
Hinimok ng BFP Mangaldan ang publiko na i-report ang ganitong uri ng bentahan sa mga sumusunod na hotline: (075) 513-4458/ 0922-480-0338/ 0917-186-4611 |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









