BFP, may bago ng pinuno

Pangungunahan ngayong umaga ni DILG Secretary Eduardo Año ang turnover of command sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Magreretiro na sa serbisyo si outgoing Fire Chief Fire Director Leonard Bañago matapos maabot ang mandatory retirement age na 56.

Gagawin ang turnover ceremony sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, Quezon City mamayang alas 9 ng umaga.


Papalit sa kanyang pwesto si CSUPT Jose S. Embang, ang Deputy Chief for Administration.

Si General Embang ay mula sa Philippine National Police Academy Class 1987 “Tagapaglingkod” at unang naging miyembro ng   Philippine Constabulary – Integrated National Police bago pumasok sa BFP ng itatag ito  bilang isang hiwalay na ahensya noong 1990.

Siya din ang pioneering chief ng BFP’s Elite Force, ang  Special Rescue Unit na itinatag noong 1991.

Pamumunuan nito ang may 28,000 BFP personnel sa buong bansa.

Sa ilalim naman ng pamumuno ng magreretirong si Director Bañago, nagawa nito na maiangat ang kapasidad ng BFP sa pamamagitan ng pagbili ng maraming  firetrucks sa  Japan – South Korea kabilang ang  Aerial Ladder Trucks, Chemical Trucks, at Rescue Trucks.

Sa kanya ding pamunuan nakamit din ng BFP ang accreditation para ISO Certification, pagbuo at pagpapatupad ng Oplan Ligtas na Pamayanan at pagbago sa  RA 9514 Implementing Rules and Regulations at iba pang accomplishments.

Facebook Comments