BFP Modernization Act, nilagdaan ni Pangulong Duterte

223

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Fire Protection (BFP) Modernization Act.

Ayon kay Duterte, layon ng batas na ito na maitaas ang morale ng mga bumbero para higit nilang gampanan nang buong dedikasyon ang kanilang tungkulin.

Sa ilalim ng batas, sampung taong isasailalim sa modernisasyon ang BFP upang ma-transform sa isang world class institution.


Nakasaad din dito ang pagbibigay ng armas sa mga bumbero.

Kasunod nito idinepensa ng Pangulo ang nasabing hakbang sapagkat maraming hamong kinakaharap ang mga bumbero sa tuwing rumiresponde sa sunog tulad ng pagharap sa galit, pagbabanta, at pagkuyog ng mga residenteng nasusunugan dahil nagpupumilit na unahing apulahin ang apoy sa kanilang mga bahay.

Facebook Comments