BFP Modernization, hiniling na aprubahan ng Kamara sa pagbabalik ng sesyon

Manila, Philippines – Hiniling ni Magdalo PL Rep. Gary Alejano na ipasa agad ang panukala na layong i-modernize ang Bureau of Fire Protection (BFP).

Ngayong fire prevention month, kinalampag ni Alejano ang agad na pagapruba sa BFP modernization upang mapabilis at gawing mas efficient ang serbisyo ng ahensya.

Sa ilalim ng House Bill 2728 na inihain ng kongresista, sakop ng BFP modernization ang pagtatatag ng fire stations at emergency medical services sa lahat ng LGUs.


Kabilang din sa nakapaloob sa panukala ang pag-upgrade sa nga kagamitan at serbisyo, pagbuo ng specialized fire protection and related services at development ng mga personnel.

Para sa fully modernize na BFP, mangangailangan umano ng P80 Billion na pondo para sa pagsasaayos ng tanggapan sa loob ng sampung taon.

Sakop din ng BFP modernization program ang retirement, disability, at death benefits ng mga kasapi nito at scholarship ng kanilang mga dependents.

Facebook Comments