BFP, NAGBABALA SA ILEGAL NA PAGSUSUNOG NG DAMO AT BASURA SA DAGUPAN CITY

Muling Pinaalala ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Dagupan City ang mahigpit na pagbabawal sa pagsusunog ng damo at basura sa lungsod.

Ayon sa BFP, malapit sa panganib ang dulot ng pagsusunog dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy na banta sa buhay at ari-arian lalo na ngayong tag-init.

Ito ay alinsunod sa Clean Air Act (Republic Act 8749) na ipinagbabawal ang open burning o pagsusunog ng basura lalo na ang plastic.

Matatandaang noong Abril 3 at 4 ay may naitalang insidente ng grass fire sa mga barangay ng Bonuan Boquig at Binloc dahil sa maalinsangang panahon.

Dahil dito, nagbigay ng abiso ang ahensya sa publiko na magsagawa na lamang ng tamang waste segregation at disposal upang maiwasan ang posibilidad na sunog sa kapaligiran at hindi rin magdulot ng masamang epekto sa kalusugan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments