Inilabas ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang listahan ng mga rehiyon na may maraming naitalang insidente ng sunog noong Enero hanggang Nobyembre 2024.
Nangunguna ang NCR sa listahan kung saan nakapagtala ito ng 3,408 fire incidents at sinundan naman ng Region 6 na nakapagtala naman ng 3,334 na mga insidente ng sunog.
Pumangatlo naman ang CALABARZON kung saan ito ay pumalo sa 2,045 fire incidents.
Nasa ika-apat naman na pwesto ang Region 7 kung saan ang fire incidents ay umabot sa 1,881 cases.
Ang Region 11 naman ang nasa ikalimang pwesto na nakapagtala ng 1,620 na insidente ng sunog.
Nangunguna namang sanhi ng sunog ay open flame mula sa mga basura, bonfire at structural fire, sumunod ang electrical ignition, at pangatlo ang sunog na ang sanhi ay LPG, kalan, at fire wood.