BFP, nakapagtala na ng 19 firecracker fire incidents

Nakapagtala na ng labing siyam na kaso ng sunog na sanhi ng paputok ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa buong bansa simula noong buwan ng Nobyembre.

Ayon kay Fire Superintendent Joan Vallejos, spokesperson ng BFP, ito ay mas mababa kung ihahambing sa bilang na dalamamput isa na naitala sa buwan ng Nobyembre noong 2017.

Gayunman, hindi inaalis ng BFP na madagdagan pa ang naturang bilang lalo pa at nalalapit na ang pagsalubong sa Bagong Taon.


Nangunguna pa rin na sanhi ng fire incidents ay ang kwitis.

Ang kwitis ay isang rocket-type firecracker na napapalipad sa taas na hanggang 40 to 50 feet kapag nasindihan.

Facebook Comments