BFP, nanawagan sa publiko na mag-ingat ngayong holiday season

Manila, Philippines – Nanawagan ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa publiko na mag-dobleng ingat ngayong holiday season kaugnay sa isyu na sunod-sunod na insidente ng pagkasunog.

Aoyn kay BFP Spokesperson Fire Superintendent Joan Vallejo, hinihikayat nila ang bawat isa na mag-focus at magkaroon ng pag-iingat sa loob mismo ng kanilang bahay kahit pa busy sa anumang bagay.

Bukod dito, pinayuhan din niya ang mga magulang na batayan ang mga anak lalo na sa pagsalubong sa Bagong Taon upang hindi sila mabiktima o makadisgrasiya dahil sa paputok.


Kagunay nito, todo kayod ang mga tauhan ng BFP para mabawasan ang insidente ng sunog ngayong 2018.

Facebook Comments