Itinaas na sa Code Blue ang alert status ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Pangasinan hanggang Disyembre 22, 2025 bilang paghahanda sa darating na Pasko at Bagong Taon.
Sa ilalim ng Code Blue, kalahati ng mga tauhan ng BFP ay naka-standby upang mapalakas ang kahandaan at masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Sa Dagupan City, nakahandang rumesponde ang 28 na bumbero kasama ang dalawang fire truck at isang ambulansya.
Patuloy namang ipinatutupad ang “Oplan Paalala” at “Oplan Ligtas na Pamayanan,” na layuning paigtingin ang kamalayan ng komunidad sa tamang pag-iwas sa sunog.
Nananatili ring operational ang substation sa Barangay Bonuan Gueset upang mapabilis ang pagresponde, katuwang ang iba’t ibang support ahensya ng lungsod.
Mula Disyembre 23, 2025 hanggang Enero 2, 2026, itataas naman sa Code Red ang alert status kung saan 100 porsyento ng mga tauhan ay naka-antabay para sa agad na pagtugon sa anumang insidente ngayong holiday season. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣







