Patuloy na pinalalakas ng Bureau of Fire Protection (BFP) Pangasinan ang kanilang hanay bilang parte ng kanilang tungkulin sa usapin ng fire safety.
Inihayag ng bagong Director ng BFP Pangasinan na si FSSUPT Bonifacio Carta na patuloy ang kanilang pagbili ng mga bagong kagamitan alinsunod sa modernisasyon ng kanilang hanay.
Aniya pa, patuloy rin ang iba’t ibang trainings ng kanilang mga kawani para sa agarang operasyon laban sa sunog o anumang emergency response.
Siniguro rin ni Carta na gumagamit na ng body camera ang bawat fire station sa lalawigan alinsunod sa utos ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Patuloy naman ang kanilang panawagan sa publiko at mga business owners ukol sa fire safety, lalo na ngayong buwan ng Marso kung kailan ipinagdiriwang ang Fire Prevention Month upang magbigay kamalayan sa pag-iingat laban sa sunog. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










