BFP, pinag-iingat ang publiko sa mga sunog ngayong papalapit na ang tag-init

Manila, Philippines – Hindi pa man nagsisimula ang fire prevention month, nagbabala na ngayon ang Bureau of Fire Protection (BFP) ng ibayong pag-iingat ngayong umiinit na ang panahon.

Nabatid kasi na nakapagtala kahapon ang BFP ng sampung sunog sa Metro Manila at dalawang grass fire sa Subic–Clark–Tarlac Expressway (SCTEX).

Pinakamalalaki sa mga nangyaring sunog ay sa Addition Hills, Mandaluyong City; ganun din sa San Isidro, Parañaque City; Manuyo Dos, Las Pinas City; Maricaban, Pasay City at opisina ng Bureau of Customs sa South Harbor, Maynila.


Maliban dito, nagkaroon din ng sunog sa Pasig, Caloocan, Navotas, Port Area at Parola Compound sa Tondo.

Inaalam naman kung may naitalang nasawi o nasaktan sa mga nangyaring sunog.

Facebook Comments